Friday, December 9, 2011

Panatang Makabayan

Panatang Makabayan (Old Version)


Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan,
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.

Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino,
sa isip, sa salita at sa gawa.





Panatang Makabayan (New Version)


Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan
Maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
Ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
Ng mamamayang makabayan
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
Ng buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas




Lately, lagi ko naririnig sa tv ang bagong version ng "Panatang Makabayan." At di ko maiwasan na mainis pa rin. Yung old version, yun, yun ang itinuro at natutunan ko sa school. Yun ang nirecite ko ng ilang taon. Yun ang alam ko na version. Tapos biglang may bago. Bakit?! May mali ba sa luma?! O! eh pano na yan?! Eh di ang mga Pilipino, kanya-kanyang Panatang Makabayan na lang. Depende kung saang generation ka. Ugh! Asar. Para sakin, mas maraming dapat baguhin sa Pilpinas, mga sistemang bulok. At hindi ang tulad ng "Panatang Makabayan" na nakatatak na sa bawat Pilipino.

No comments:

Post a Comment